Ayon sa pag-aaral, kapag pinaghalo ang luya at malunggay at ito ay ginawang inumin ay napakarami nitong magandang epekto at benepisyo sa ating katawan. Matagal nang natuklasan ng mga eksperto na ang luya at malunggay ay talaga namang mabisang panlaban sa iba’t ibang mga sakit.
Luya
Kadalasan, ang luya ay ginagamit na pampalasa sa mga pagkain. Maari din itong gamiting gamot sa ubo, pampababa ng level ng sugar sa dugo na sanhi ng sakit na diabetes, at panlaban sa mga sakit sa tiyan tulad ng pagtatae. Ito ay epektibo din sa mga taong mabilis mahilo sa byahe – kumain lamang ng luya isang oras o tatlong oras bago sumakay sa eroplano, kotse, o barko.
Nakakatulong din ito maiwasan ang pagsusuka pagkatapos gamutin ang mga taong may kanser at ng mga buntis para mawala ang pagkahilo at pagsusuka. Dapat lamang itong kainin ng wala pang laman ang tiyan.
Malunggay
Ang malunggay ay isa sa mga halamang-gamot na may kakayahang gamutin ang mga pamamaga, mga sugat, at iba’t ibang mga sakit tulad na lamang ng kanser. Ito ay nagtataglay ng mga mineral tulad ng calcium, potassium, copper, iron at magnesium na syang lumalaban at nakakatulong sa ating katawan para maiwasan ang sakit na anemia.
Ayon sa mga pag-aaral ng mga eksperto, ang malunggay ay nakakatulong din upang mapababa ang cholesterol levels ng ating katawan. Ang halamang ito ay mairerekomenda sa mga taong nakararanas ng madalas na pagtaas ng dugo, sa may migraine at sakit sa ulo, sa mga may ulcer at pangtanggal ng acid sa tiyan, sa mga taong may sakit sa atay at pagpapanatili ng magandang kalusugan ng atay.
Paano Gamitin Ang Luya At Malunggay?
Mga Kailangang Sangkap:
85 gramo ng luya ung sariwa
Sampung dahon ng malunggay
Isang kutsaritang pulot
Apat na baso ng tubig
Paraan Ng Paggawa:
- Gayatin ang luya at pakuluan ito sa tubig sa loob ng sampung minuto.
- Patayin ang apoy at ilagay ang dahon ng malunggay sa pinakuluang luya at tubig.
- Takpan ang kaserola ng limang minuto pagkatapos ay salain ang tubig at lagyan ng pulot.
- Uminom nito isang baso bawat umaga at isa din bawat gabi bago matulog.